Blog ng Madugas na Lalake

Marso 16, 2010

Mga Ilang Paglilinaw..

Filed under: Uncategorized — feb1010 @ 7:27 umaga

you are what you eat.. you are what you wear.. you are what you do.. you are what you say..  you’re on candid camera.

Mga salitang pilit na pagiisipin ang isang indibidwal kung sino ba talaga siya. Minsan alam naman natin kung sino tayo, pero may mga katangian tayong hindi natin alam, ibang tao ang magsasabi sayo o makakapuna nito para sabihin mong, “talaga?? ganun ba me?”

You are what you say and do.. malamang. Pero sa mga nababasa mo dito sa blog ng madugas na lalake, kung hindi ko sasabihin ang ichura ko, anong mabubuong katauhan ko sa isip mo?

Pwedeng: Matangkad na lalake na maskulado, fit manamit, naka gel ang buhok,matangos ang ilong, may tsikot, mukang galing sa mayaman na pamilya, at manyak makatingin sa mga babae.

Pwedeng: Katamtaman ang tangkad, hindi halatang gwapo kung hindi tititigan, disente kung manamit pero walang tsikot, hindi din halatang manyak.

Pwedeng: Maliit o matangkad, mukang nerd,nakasalamin, nasa gilid ang hati ng buhok, mukang “huling tuck-in na” kung magtuck-in ng damit at.. halatang manyak.

Lahat yun pisikal na aspeto. E ang paguugali? Sa mga nababasa mo? Muka ba akong barubal? Bastos makipag usap, puro tungkol sa sex ba ang kwento? Makatao? Maka Diyos?

Ewan ko, pero hindi naman dahil madugas ako e puro kadugasan lang ang laman ng utak ko.

Lilinawin ko na rin.. kahit hindi naman hinihingi ang eksplanasyon ko.

Matino naman ako sa ibang bagay. Hindi ako bastos sa magulang, hindi ako nang bubugbog ng asawa o ng anak. Hindi rin ako pala mura. Ako ang nagpapaaral sa mga pamangkin ko, at minsan pati mga pinsan ko binubuhay ko narin pag kinakailangan. Minsan na rin akong nasama sa isang organisasyon na lumalaban sa katiwalian ng mga politiko. Minsan na rin akong nagbuwis ng buhay para sa isang lola na hoholdapin pa sana ng isang lalakeng mas madugas pa sa akin. Kumakanta din ako dati sa simbahan. Marami pa.. Mas marami pa sa commercial ni noynoy at villar noong laban ni pacquiao kay akon.

Paumanhin kung nag tutunog politiko ako at pilit kong pinapabango ang aking sarili. Lahat tayo nagkakamali, yun nga lang, malaking pagkakamali ang nagawa at patuloy kong ginagawa. Masama akong asawa. Kung magbabago man ako, dito ko unang sasabihin na tapos na ang kadugasan ko. Wala akong lakas ng loob at kapal ng muka para humingi ng tawad sa mga naaagrabyado ko, kaya sa inyo, patawad.

Marunong akong mag sorry diba? Tsk tsk.. ang dugas ko.

Marso 9, 2010

Si Becky..

Filed under: Uncategorized — feb1010 @ 2:29 umaga

36 years old. 5’7. Intelehente, Account Manager, at sexy. May vital statistics 38c-27-36. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling kay Becky.Kung meron man, hindi si Dick yun.

Sa chat nagkakilala si Dick at Becky. Kagaya ng iba, kinuha muna ni Dick ang tiwala ni Becky. Sa umpisa ay mailap at suplada ang dating ni Becky. Pero dahil na rin sa galing ng dila ni Dick sa pagsisinungaling, nakuha niya ang loob ni Becky. Kagaya din ng iba, inaya ni Dick si Becky na makipag kita. Tama nga ang hinala ni Dick, mukang masarap si Becky. Kahit na libog na libog na si Dick,pinigil niya ang kanyang sarili at inintindi ang kanyang Rule no. 1.

Makailang ulit pang nagkita ang dalawa. Medyo nahihirapan si Dick na maikama si Becky, dahil na rin naiintimidate siya sa pagiging intelehente ni Becky. Pero ang lahat ng tao ay may kahinaan at katapat. Dinadaan ni Dick ang lahat sa pagpapakita ng kabaitan. Pero kay Becky, mukang kailangan na niyang manyakin para maikama niya ang masarap na babae. Ng minsang kumakain sa isang restaurant si Dick at Becky, biniglang hawakan ni Dick ang mga kamay ni Becky. Gulat pero parang hindi makapalag si Becky. Agad nang tumabi ng husto si Dick. At dahil couch ang kanilang iuupuan, nagdikit ng husto ang kanilang mga katawan. Ngumiti lang si Becky pero halatang kinakabahan at nagugulat sa mga kilos ni Dick. Si Dick, bagama’t kinakabahan, pero hindi siya nagpapahalata. Dahil na rin siguro sa libog na nararamdaman kay Becky. Parang walang nangyari at tinutuloy parin ni Dick ang kanyang kwento. Paminsan ay dinadampian ng kanyang mga braso ang malalaking suso ni Becky. Ipinuwesto ni Dick ang braso niya sa ibabaw ng suso ni Becky, at dahan dahan niya itong idiniin, at biglan nilipat ang hawak sa bewang ni Becky. Para na siyang nakayakap kay Becky, at humarap siya. Hinalikan si Becky, bahala na kung sasampalin siya. Nagdikit ang labi. Hindi pumalag si Becky. Nagkangitian lang ang dalawa.

Dick: Sumobra ata ganda mo ngayon, di ko mapigilan sarili ko.

Becky: Halata ngang di ka makapigil. Nakakagulat ka ha. Ngayon ka lang naging ganyan sakin.

Dick: Ngayon lang sa kahit kanino ako nakaramdam ng ganito. Iba epekto mo sakin ngayon.

Becky: Pinapaisip mo ako ha. Anong ibig mong sabihin?

Dick: Let’s just go somewhere else. Sasama ka ba?

Becky: Hindi ko alam.

Dick: Then dun ka na magisip, sumama ka na lang muna.

Becky: Shit ka…. Tara.

Nagpunta sila sa isang motel sa cubao. Nag renta ng kwarto,at pagpasok na pagpasok ng pinto, walang salita salita at naghalikan ang dalawa. Kapwa nag init sa isa’t isa. Anjang ipinapasok ni Becky ang dila niya sa bibig ni Dick. Salitan ng pag sipsip ng dila. Hindi na napigilan ni Dick, at hinawakan na niya ang kanyang pangarap. Sinapo ni Dick ang malaking suso ni Becky. Tumigil siya sa paghalik, at tinanggal ang pang taas na damit ni Becky. Malaki. Sobrang laki ng suso ni Becky. Inalis ang bra. Iniwan ang skirt. Tayo pa rin ito kahit na may isang anak na siya. At maganda pa rin ang nipples ni Becky. Nilamas. Dahan dahan na rin inialis ang skirt ni Becky. Nagtanggal na rin si Dick ng pantalon. naka boxer shorts nalang siya ngayon. Iniupo niya si Becky sa mesa, at tumayo siya sa harapan ni Becky. Sinubo at hinigop ang mga utong ni Becky.. habang inaabot ni Becky ang etits ni Dick. Kapwa nadadala na kung kaya’t hinawi ni Dick ang panty sa parteng tapat sa lagusan ni Becky. Inilabas ang etits, pinadaan sa bukanan ng boxers, itinutok.. dahan dahan ay nakapasok sa loob si Dick. Mabaliw baliw si Dick sa sarap ni Becky. Tanging halinghing ng dalawa ang maririnig sa kwarto. Ilang ulos pa at sumigaw na ng isang mahabang “Ahhh”si Becky.. nang marinig ito ni Dick, hindi na niya pinigilan at mas mabilis at may pwersang kadyot ang kanyang pinakawalan.

Nakailang rounds pa ang dalawa. Kapwa tigang kung kaya’t halos hindi hinugot ni Dick ang kanyang ari. At yun din naman ang gusto ni Becky..

Sa wakas ay natikman na niya si Becky.. at sa sarap at alindog ni Becky.. mukang ilang beses pang mauulit ang ganitong gawain.

Marso 3, 2010

si barba part 3

Filed under: Uncategorized — feb1010 @ 2:02 umaga

Kusa nang dinala si Dick at Barba ng kanilang damdamin sa isang pribadong lugar. Ang lugar na ‘to ay kadalasan ding tinatawag na Tirahan, Bahay na walang kusina, Lugar na malamig, Biglang Liko at, Mot mot.

Rule no.4) Wag sabik. Kung unang pasok sa motel, kasama ang bagong ikakama, wag magpapakita ng excitement. Relax lang at umarteng mukang kabado.

Sa dulo ng kama sa bandang kaliwa umupo si Barba, habang si Dick naman ay sa upuan sa tabi ng lamesa. Nanood ng tv, habang sinusundutan ng paunti unting kwento. Dinadama ang lugar at pinapakiramdaman ang bawat galaw ni Barba, kalkulado at may presensya pa rin ng pag iisip kung kaya’t tantyado niya kung tamang oras na ba para tumabi kay Barba sa kama.

Dick: Ang lamig na. Patabi na. Usog ka nalang ng konte. (habang medyo tumatawa) Gamitin natin tong kumot ha. Bayad ‘to. hehehe!

Barba: Patawa ka talaga. Bakit kase andun ka sa upuan, e bayad din tong kama. hahaha!

Dick: Nahihiya lang ako. (nagkumot)

Barba: Meron ka nun? Hahaha! Para kang tanga! Ikaw pa nahihiya ikaw ang lalake. Relax ka lang jan.

Dick: Sorry sorry. hehehe! nakakahiya naman talaga e. Nood na lang tayo.

Nagpapanggap na nag hahanap ng mapapanood si Dick, habang may mga pailan ilang tanong siyang binibitawan. Hanggang sa naiwan na lamang na naka bukas ang TV at nanatiling nasa iisang channel nang tuluyan nang nag usap ang dalawa..  Kwentuhan tungkol sa buhay, sa pamilya, sa trabaho. Lahat ng yon, imbento lang ni Dick. Hanggang dumating ang tamang oras para kumilos na ang kamay ni Dick. Dahan dahang hinawakan ang kamay ni Barba habang patuloy na nag kukwento tungkol sa imbentong ka opisinang kinaiinisan. Maaaring gusto din ni Barba kung kaya’t hindi na siya tumutol sa ginawa ni Dick.

Dick: Ako pa ilalaglag sa management, e kumpleto ako sa documentation. Hahaha! W’langyang bakla yun. Desperado makuha yung posisyon ko. hahaha!

Barba: Ang sama mo, di ka naman siguradong bakla yun. E ikaw nga, tumatanda nang walang kasama sa buhay.

Hindi nag react si Dick. Kung kanina ay parehas na nakahiga sa kanilang likod, gumalaw si Dick pakaliwa at tumingin sa mga mata ni Barba. Napagalaw na din si Barba pakanan,hanggang sa sila ay magkaharap na. Hindi na nag salita at yumakap na si Dick kay Barba. Tahimik, walang gustong magsalita. Dumaan ang tatlumpung segundo ng katahimikan. Tanging ang TV lamang ang naririnig. Ang kaninang lamig na galing sa aircon ay hindi na maramdaman. Mainit na hinga galing sa kanilang mga bibig at singaw ng init ng katawan na ang bumalot sa loob ng bahay na walang kusina.

Dahan dahang nag lapat ang kanilang mga bibig. Malambot ang pagdampi ng kanilang mga labi. Matagal. Nagparamdaman. Hanggang sa unti unting ipinaglayo ni Dick ang kanyang mga labi, daan upang bahagyang mapunta ang itaas na labi ni Barba sa pagitan ng kanyang mga labi. Hanggang sa parehas na silang nadala. Ang kaninang padampi dampi at mabagal ng pagkilos ng bibig ay napunta sa isang mainit na pagpapalitan ng halik. Nabasa na ang kanilang mga labi ng laway. Nagpalitan ng pagtikim ng labi. Hindi siguro malasahan ng husto ni Dick kung kaya’t inilabas niya ang kanyang dila. Daan upang mas makuryente ang babae. Nag gantihan, inilabas na rin ni Barba ang kanyang dila. At tuluyan nang bumigay and dalawa.

Gumapang na ang mga kamay ni Dick. Sa ulo, sa pisngi, sa buhok, sa batok, sa leeg.. hanggang sa bumaba sa mga balikat ni Barba. Dinama ang mga strap ng bra ni Barba at muling ibinalik ang kamay sa leeg. Andung paminsan ay ipinapasok ni Dick ang kamay sa loob ng damit ni Barba, hihimasin ang likod at padadaanan ang bra na parang gustong kalasin ang klaspe. Tumagal ang halikan ng humigit kumulang 10 minuto. Sapat na para dalhin sa susunod na lebel ang kanilang ginagawa.

Dick: Hindi ko na kaya. (pabulong)

Barba: Ako rin.

Senyales nang nadala na ng husto si Barba. Dahan dahang inalis ni Dick ang pang itaas na damit ni Barba. Itinira ang bra. Nakumpirma niya nga na malaki ang suso ni Barba. Bumaba ang halik ni Dick sa leeg, sa balikat, sa dibdib… hinalikan din ni Dick ang ibabaw ng bra ni Barba. habang inaalis ng kanang kamay ang klaspe na maglalantad ng mga suso ni Barba. Kalas. Tanggal. At nasa harapan na nga ni Dick and malalaking suso ni Barba. Si Barba, nakapikit lang. Kabado, pero sabik din. Hawak. Lamas. Dinilaan ang gilid ng suso. Dinilaan ang palibot ng areola. Isunubo ang utong. At sinupsop. Tuluyang nadarang ang dalawa. Kung kaya’t ang usapan na yakap lang ay nauwi sa sex.

Kapwa pagod ang dalawa sa kanilang ginawa. Pagkatapos ng isang round ay yumakap si Dick kay Barba.

Barba: Muka ngang ang tagal mong walang sex. Hahaha! Ang higpit ng yakap mo sakin oh. Hindi ako mawawala ano ka ba?At hindi ka nga bading ha. Hahaha!

Dick: Sorry. Nanibago lang. ang tagal na nung huli ko. Mukang hindi ako makakatulog nito mamaya ah.

Barba: Umamin ka nga? Virgin ka no? hahaha!

Dick: Bakit? Ang yabang mo. hindi ba ako marunong?

Barba: Marunong naman, pero kulang pa. Hahahaha!

Sinasadya lagi ni Dick na magmukang baguhan sa kama sa unang maikama niya ang babae. Rule no. 5.

Dick: Hayaan mo, sa susunod, gagalingan ko pa. manonood ako ng prono. hehehehe!

Barba: Para namang mauulit pa ‘to. Swerte mo naman! Hahahaaha!

Dick: Oo nga no. Hehehe! Kung lang naman. Kung mauulit lang. hehehe!

At nakadalawa pa silang round. Natapos. Nag check out. Kumain sa labas. (sino ba naman may gusto ng pagkain sa motel?) Pagkatapos kumain, nag kusa na si Dick na ihatid si Barba. May dala siyang sasakyan ng araw na iyon. Hinatid. Naghalikan bago bumaba si Barba.

Barba: Grabe ka. Ang init mo. Hahaha!

Dick: Sino bang hindi mag iinit sayo.

Barba: Bolero. Sige na, bababa na ako. maaga ako bukas. May event ako sa Shangri-la Hotel ng 9 am.

Dick: Tungkol san naman yun?

Barba: Wala naman, makikinig lang ako. May mga IT companies na mag o-offer ng products at services nila.

Dick: Ah. (napalunok ng laway) Sige, kelangan mo na nga magpahinga.

At bumaba na nga si Barba ng sasakyan. Tulala si Dick. Ang pakilala niya kay Barba ay sa Manila siya nag tatrabaho, sa isang construction firm. Ang hindi alam ni Barba, isa si Dick sa mga mag pepresent sa nasabing event na pupuntahan ni Barba kinabukasan. Kung kaya’t kabadong umuwi si Dick.Iniisip kung pano ang gagawin kinabukasan.

Mahuhuli na ba si Dick? Abangan sa mga susunod na kaganapan…

Marso 2, 2010

si barba part 2

Filed under: Uncategorized — feb1010 @ 1:30 umaga

Nakaraan: matapos magsine, nagkanya kanya ng uwi si Dick at Barba… Nag text at nagpasalamatan sa nangyaring eyeball.

Habang bumabyahe pa pauwi si dick..

Dick: Nasa bahay na po ako. ikaw?

Barba: Buti ang bilis ng byahe mo. Eto kakadating ko lang din ng bahay.

Dick: Sige, pahinga ka na rin, napagod ka rin sa lakad natin.I really had a great time. Salamat.

Barba: Di naman nakakapagod yun, nakaupo lang naman tayo sa sinehan. Kaya no worries. Ikaw ang dapat magpahinga. maaga pa pasok mo bukas.

Dick: Oo nga e, 7 am dapat nasa ofic na ako. Sige, so,gudnyt?

Barba: Ok, gudnyt! Thanks ulit.

Dick: No, thank you. I’ll see you tommorow. Wag mo ako tatawanan bukas ha. hahaha!

Barba: Bakit naman kita tatawanan? Pahinga ka na po.

Dick: Wala lang. hehehe! sige.. gudnyt! Missing you already.

Barba: Bolero, Gudnyt!

Matapos mag text ay pinatay na ni Dick ang kanyang cellphone, sakto din na nasa harapan na siya ng kanilang bahay. Pinagbuksan siya ng pinto ng kanyang misis.

Misis: Ginabi ka ah. Kumain ka na?

Dick: As usual, overtime. Kumain na ako. gusto ko nalang din magpahinga. tulog na anak natin?

Misis: Hindi pa.. pwede pa kayo maglaro.

At nakipag laro si Dick sa kanyang anak. Ang kanyang misis ay nagpahinga na at natulog. Hindi rin nagtagal ay napagod na ang kanyang anak,at sabay na silang natulog.

Kinabukasan.. sabay na pumasok sa trabaho si Dick at ang kanyang misis. Kung kaya’t pagdating sa opisina na lamang nakapag text kay Barba. Kamustahan lamang at konting update sa mga maaaring mangyari sa kanilang pagkikita sa gabing iyon.

Dick: San nga pala tayo mamaya?

Barba: Aba’y ewan ko sayo. Ikaw ang nag aya diba?

Dick: Oo nga pala. hehehe!sige bahala na.. Wag ka mag alala, hanggang yakap lang naman gagawin ko. Hahaha!

Barba: Sira ka tlga! Hehehe! Pati nakakaawa ka naman kase e, ilang taon ka na atang hindi nakakayakap ng babae bukod sa nanay mo. Hahaha!

Dick: Yabang naman. Hahaha! e ano naman, dibale nang ganito kase naman pabling at kung kani-kanino lang pumapatol. Hehehe!

Barba: Hahaha! kawawa ka nga. Sige, mamaya nalang, at baka masyado kang ma excite.

Bago sumapit ang oras ng kanilang pagkikita, gaya ng nakagawian, nag text na si dick sa kanyang asawa.

Dick: Ma, hindi ako agad makakauwi pa ha. As usual, overtime. May kailangan i-treat na clients. Tirahan mo lang ako ng ulam, alam mo namang hindi ako nakakakain pag mga ganung klase ng meeting. Love u!

Misis: Ok. kaya ako nabubwiset sa trabaho mo e. Nalilipasan ka ng gutom. Kumain ka kahit konte. Mag ingat ha.

Dick: Hayaan mo na, o sige kakain ako. ok? Ingat ka pag uwi mo.

(May dalawang rule nang na una. Tignan sa post na ito).Rule number 3) Magpaawa. Effective ang pagpapaawa. Kung pwedeng ilagay mo ang sarili mo sa bingit ng kamatayan, gawin mo. Pero wag mong tototohanin. Gago lang ang gagawa nun. Isa ito sa mga paraan ni Dick para makakuha ng simpatya. Anjang nag iimbento siya ng kwento na pupukaw sa puso ng babae. Gaya na lamang ng drama niya kay Barba na may anim na buwan na rin siyang hindi nakikipag date, at ang huling beses na nakahawa siya ng kamay ng babae ay mahigit isang taon na ang nakalilipas. Mukang posible na medyo malabo, pero kung itotodo mo ang pagpapaawa with matching luha, muka ka lang tanga. Pero kung magpapaawa ka na parang “wala lang”,hindi apektado, mas effective yun. Effective dahil ngayong magkikitang muli sila ni Barba.. sa motel na ang derecho nila.

Nagkita, nag usap ng konte, naghawak ng kamay, at dumerecho sa isang motel sa Maynila…

Yakap nga lang ba ang gagawin ni Dick kay Barba gaya ng kanilang napag usapan? May sorpresang darating.. abangan sa part 3.

Marso 1, 2010

Sino Muna Ako

Filed under: Uncategorized — feb1010 @ 8:11 umaga

Dalawang babae na ang naikukuwento ko pero hindi ko pa napapakilala kung sino ako. Bukod sa “About” na hindi naman kumpleto, sino ba talaga ako?

Bata pa ako. 26. Bata pa yun diba? Pamilyado (malamang), may isang anak, isang asawa, mahigit sampu ang ikinakama, at may dalawang sineseryosong girlfriend. Seryoso dahil hindi ko lang sila basta i-kinakama. Kahit papano e nanonood naman kami ng sine at pumapasyal sa mga mall na may halong kaba.

Wala kahit isa sa kanila ang nakakaalam ng katotohanan. Teka, nakalimutan ko. Meron palang isa. Isa siya sa dalawang sineseryosong gf ko. Alam niya na may asawa ako, pero hindi niya alam na marami sila. Matigas ang muka ko. Alam ko. Itatago ko siya sa pangalang Jell. Bakit pumayag si Jell sa ganung klase ng setup? una, dahil ex gf ko siya, pangalawa.. may asawa din siya. Parehas ko, namimiss din niya paminsan ang mga pinagsamahan namin dati at kumbaga din ay “walang talo”.

Sabihin na nating isa itong pag amin. Pero patago. Pota ang labo. Natural,sino ba namang politiko ang aamin na nagnakaw sila sa kaban ng bayan? Nakukunsensya minsan, pero pag nasa harap na ang tukso, binabarurot na ng tukso and kunsensya ko para magtigil.

Balik sakin. 26 anyos. Taga Quezon City, Fairview. Nag tatrabaho sa isang kumpanya sa Makati bilang IT Professional. Oo, malaki ang sweldo ko kaya may pangtustos ako sa isang anak, isang asawa, dalawang girlfriend at mahigit sampung ikinakama. May kaya sa buhay. Hindi katangkaran, 5’7, hindi rin macho. Hindi panget.

Apat na taon na akong kasal, maagang lumandi. Nakabuntis kung kaya’t ikinasal. Eto tingin ko ang isa sa dahilan kung bakit ganito ako kadugas ngayon. Gago talaga.

Lahat ba ng mahigist sampu na ikinakama ko ay one night stand? Hindi, karamihan, halos fubu ang dating. Merong mga umaasang seseryosohin ko sila, merong iba na saydang malibog lang, merong iba na one night stand lang, meron ding nalibugan lang kami parehas sa isa’t isa kung kaya’t inulit ulit ang kalibugan. Ang iba sa kanila, gusto ko lang talagang matikman. hindi naman ako nabibigo.. kahit isang beses. Meron ding nanghihingi o nangungutang ng pera kapalit ang katawan.

Swerte? Ewan ko. Swerte dahil wala akong STD, kelangan lang mag ingat lagi. Malas? Malamang hindi. Nakakainggit? Lalong hindi. Madugas? yan ang sigurado. Gago ako. Masama. Demonyo. Walang kunsensya. Siguro yang ang mga salitang mabubuo sa isip mo dahil sa pag amin ko na ito. Hindi ako dapat hangaan, hindi rin ako dapat tularan. Ako ba si Heiden Kho? Hindi. At lalong hindi ako si Ramon Revilla Sr o Jr.

Hindi ko alam kung pano matatapos ang lahat ng ito,gaya ng sabi ko sa”About”, katumbas ito ng pagpaplanong tapusin ang paninigarliyo. Mahirap. Ganun kahirap.

Kagaya lang ngayon, nag aantay lang ako ng oras, mamaya may ikakama nanaman ako. Si Becky. 36 years old. May anak, walang asawa. Matangkad, 5’7, hindi bakas sa katawan ang edad. May vital statistics na 38c-27-36. isa siya sa pinaka mainit sa kama, kung kaya’t hindi matuloy tuloy ang plano namin na manood ng sine… Tsk tsk…

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Design a site like this with WordPress.com
Magsimula